Ganap na alas-dos ng hapon isinagawa sa munisipyo ang pagpupulong ng mga Local Market Vendors na nagbebenta ng mga Gulay, Isda, Karne at iba pang pangunahing bilihin. Ang nasabing aktibidades ay pinangunahan ni Municipal Mayor Roming “Erpat” Edaño katuwang sina Munisipal Administrator Jeffrey P. Jumarang, SB Secretary Ma. Jessielyn V. Edades at Councilor Onad Navarro kung saan pinagusapan ang mga hinaing ng mga Vendors mula sa Poblacion, Inabuan, Cawayan I at II.

Alinsunod dito ang paglilinaw sa tamang kalakaran ng mga basic goods sa bayan ng San Francisco at pagsasaayos ng relasyon sa pagitan ng mga Vendors at kinabibilangan nitong mga organisasyon.
Asahan ninyo na gagawin namin ang lahat para sa PAGBABAGO, ASENSO at TAGUMPAY ng ating bayan ng San Francisco.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *