Pormal na po nating na-turnover ang mga 100% completed na mga proyekto sa barangay sa ilalim ng Support to the Barangay Development Program (SBDP). Kabilang sa mga proyekto na ito ay ang mga Farm to Market Roads sa Brgy. Casay & Brgy. Sto. NiΓ±o at pagsasaayos ng Water System sa Sto. NiΓ±o na sa ngayon ay may 11 ng tap stands/gripo na bukas sa lahat.

Personal po nating nakasama ang mga kawani mula sa DILG IV-A Regional Office sa pangunguna ni Regional Director Ariel O. Iglesia at DILG Quezon Provincial Office sa pangunguna ni DILG Provincial Director Abigail N. Andres.

Masayang-masaya po ang inyong Erpat na makita na ang mga proyekto na ating ipinapatupad sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensiya ay unti-unti ng nagkakaroon ng progreso. Asahan niyo po na hindi titigil ang inyong mayor sa pagtungo ng ating bayan sa TUNAY na PAGBABAGO, ASENSO at TAGUMPAY!