Barangay Casay
Dito sa gawing timog ng San Francisco ay may isang Nayon na kung tawagin ay Casay. Ang malawak na bukirin ng Nayong ito ay siyang nagbibigay ng biyaya, hindi lamang sa mga taong naninirahan dito kundi pati na rin halos sa buong nasasakupan ng bayang ito. Sapagka’t dito mo makikita ang malawak na Nayong ito. matatagpuan din ang malalawak na bakahan at niyogan na kung ating pag-uukulan ng pansin ay kabuuan ng isang maunlad na lugar. Ito ay siyang pinakamalaki kung ihahambing sa mga nayong nasasakupan ng bayan ng San Francisco, Quezon. Ang hangganan nito sa Norte ay isang malaking ilog na siyang naghihiwalay sa Nayon ng Silongin at Casay. Sa silangan naman ay umaabot hanggang sa lupain ng San Andres, na pinaghihiwalay din ng isang malaking ilog. Sa timog ay may malawak na kagubatan na siyang hangganan ng Don Juan Vercelos na isa sa anak ng Casay.
Sa kanluran ay nasasakupan ng Mulanay, ang Casay ay isang nayon. Ano pa’t masasabi natin na ito ay isang matandang nayon. Al ang nagpapatunay sa katandaan ng lugar na ito ang kanyang dalawang anak.ang nayon ng Don Juan Marcelos at Huyon-uyon. At ang taong namuno sa lugar na 1 4 3. 4 5. 6. 7 8 9. 10. Victor Presas Mariano Riego Pacifico Perninian Regino Aurinto Cefriano Fernandez Magtanggol Edades Ambrocio Napeilas Bayani Edades Pedro Perjes Jose Perjes Nanungkulan din bilang kapitan Si G. Artemio Veluz. Ang pangalang Casay naman ay nakuha sa isang pagkakamali. Noong unang panahon na tayo ay nasasakop ng mga hapon ay may isang taong tahimik na nanghuhuli ng hipon sa ilog ng Purasan nang biglang may dumating na mga sundalong hapones at sukat ay tinawag upang tanong kung ano ang pangalan ng nasabing lugar. Dahil sa takot ang buong akala niya ang itinatanong ay ang ibon na kasay-kasay, na nagkataon namang nakadapa sa sanga ng isang puno na malapit sa kanila. Kaya siya ay dali-daling sinagot sabay saludo ng kasa-kasaw. At ang mga sundabo ay tatango-tango na inulit aug salita. “Kasay-kay’at mula noon nakilala nila ang lugar na ito na KASAY-KASAY. At sa pagdaan ng panahon ay naging Casay na lamang. Na siyang tinataglay na pangalan.
Barangay Cawayan 2
Ang nayon ng Cawayan II na dati-rati ay sityo lamang at nasasakupan ng Cawayan I ay isa ngayon sa bagong umuunlad na nayong malapit sa San Francisco, ang Poblacion.Nagsimula ang pagiging Nayon ng sityong ito sa pangunguna nina G. Eduardo Garcia at Ex. Councibor Jose Manga ang kahilingang maibukod ang bahaging kanilang kinatatayuan sa malaking nasasakupan ng Cawayan I at halos hindi na magampanan ang tungkulin ng mga namumuno sa nayon sa panig na ito ng kanilang nasasakupan at ganoon din nalalaman nilang ang bahaging mahihiwalay ay maaring magsanib bilang isang nayon. Sa ganitong kahilingan ay naipangako nang noo’y kandidatong muli at kasabukuyang Punong Bayan Alejo Aguila na kung sakaling siya’y manalong muli ay ipagkakaboob ang karapatan ng mga tagaritong makapagsarili kasabay na rin ang pagbibigay ng paaralan para sa gagawing nayon.. Nanalong muli ang Punong Bayan, Alejo Aguila, at bilang katapatan at pagtupad sa kanyang pangako ay ginawang nayon ang Cawayan Il nang taong 1970 at ibinigay ang ngalang Cawayan il bilang kaugnay at pagkilala sa Cawayan I ang Inang nayon at sa dahilan ring tanging sa lugar na ito lamang matatagpuan ang maraming mga puno ng kawayan. Kasabay sa pagiging nayon nito ay ipinagkaloob pa rin ang ilang kagamitan at halagang tulong para sa paaralan ganoon din ang mga tubong gagamitin para sa tubig ng paaralan at mga taong nayon sapagka’t madali ang pagkakaroon ng tubig sa lugar ng paaralan dahil sa ang malaking tubong-daluyan ng tubig patungong Poblacion av dito dumaraan. Mahalaga ring malaman sa kasaysayang ito ang kauna-unahang bumubuo ng pamunuan nayon ng Cawayan Il sa kaniyang pasasarili tulad ng sumusunod: JOSE MANGA EDUARDO GARCIA NOLI ALCARAZ MANUEL ANONUEVO MARIANO RICAMORA GERARDO MANGA LUCY LEONARDO – Kapitan ng Nayon – Kagawad – Kagawad – Kagawad Kagawad – Kagawad – Kagawad Dito nagsimula ang pagiging nayon ng isang maliit na pamayanang nagsisikap at laging naghahangad ng kaniyang kaunlaran. Ito ang Nayon ng Cawayan II.
Don Juan Vercelos
Dati-rati ang nayong ito ay sakop ng Casay. Sa pagsusumikap ng mga tao rito ay hiniling nila sa Sangguniang Bayan ang Sityo Utod ay maging isang Nayong nagsasarihi. Hindi namant sila nabigo at ito ay inihiwalay sa Nayon ng Casay. Kaalinsabay, rito ay ang pagbabago ng pangalan ng Uted at ginawang Don Juan Vercelos sa kadahilanang ang nasabing lupain ay pag-aari ng yumaong Juan Vercebos. Nagkaroon ng pamunuan ang Nayon. Ang napili nilang maging Punong Barangay ay si G. Wenifredo Carabido Sr. Masipag at handang tumulong sa mga nangangailangan. Maganda ang kaniyang pasunod sa mga tao. Kung kaya naging matahimik ang nayong ito. Dumagsa ang mga tao rito na kung saan-san nanggagaling sa kabisayaan at kabikulan. Dito sila nagsipanirahan at nagkaisa silang maging tao ni G. Jose Vercelos Edano na anak ng may-ari ng lupaing ito. Nagmistulang bayan- bayanan ang Don Juan Vercebos sa kadahilanang maraming nagsipagtayo ng kaniya-kaniyang tahanan. Maganda ang sunuran ng mga tao. Maraming tao ang nanininahan sa baybaying dagat dahil ang hanap-buhay nila ay pag-lisda at pagbabangka. Dito rin matatagpuan ang maraming sasakyang dagat sa dahilang ito ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao. Kasunod nito ay may lawak na niyugan, bakahan at maisan.. Maganda ang nayon ng Don Juan Vercelos at kapatagan na kung saan doon nainirahan ang mga tao. Mabilis ang pagsulong ng nayong ito. Sang-ayon sa mga matatandang tao, ang lupain ng Utod ay pag-aari ng isang Paring Kastila at ang Paring iyon ay may ampon at ampong ito ay Ama ng Juan Vercelos. Tahimik na naninirahan doon ang nasabing angkin ng Pari ng Magulang ng Juan Vercelos. Noong panahong iyon ang nayong ito ay wala pang pangalan. Sa di- kawasa’y nagkaroon ng unos na malakas ang ulan Kulog at kidlat, ang dagat ay naglakihan ang mga alon. Sa kasamaang palad ay may isang mandaragat at inabot ng unos, nasira ang layag at kalig ng bangka at kasamaang palad siya ay nasawi, ang bangka niya ay palutang-lutang at ipinadpad ito sa dalampasigan. Mag-uumaga ng ng makita ito ng ampon ng Pari na ang akala ay Utod ang pangalan. Kanila itong inilibing at simula noon ay naging utod ito sa pag-aakala ng pari na Utod ang pangalan ng taong nasawi.
Huyon-Uyon
Ang bayan ng San Francisco na noong una ay Aurora, Quezon ay nahahati sa ilang mga baryo At ang dito ay ang Huyon-Uyon. Dati ang Huyon-Uyon ay isa sa baryo ng Casay. Ang sityong ito’y kagubatan at kaparangan na maraming hayop tulad ng usa, baboy damo at labuyo. Ito pinagkakatakutan ng mga tao sapagka’t dito y maraming nagtatagong aswang-damo. Ang sityong ito’y tulad ng isang sombrero na napapalibutan rig nagtataasang mga bundok, pader at malaking bato at ang pinakagitna nito’y kapantayan kaya itoy itinulad sa isang sombrero. Noong magkaroon ng unang digmaan ang mga tao ay doon nagsipagtago sa kapantayang yaon na tinatawag nilang huyo na ang ibig sabihin ay doon sila nag-iipon-ipon. Ano pa matapos ang digmaan sa kanilang pagtatago doon sa Huyo sila’y pawang ligtas. Lumipas ang mga taon ang sityong Huyo ay di pa rin nababago. At minsan dalawang mag-anak ang dumating at ang dalawang mag-anak na ito ay gustong doon na manirahan at humanap nang pagtitirikan ng bahay doon sa kapatagang yaon. Ang mga taong ito ay iba ang relihiyon at kung tawagin ay “Tres Personas Solo Dios”. Nakipagkaibigan ang mga taong ito doon at sila’y nagkaroon ng mabuting pagsusunuran at hanggang sa napagkaisahan nilang ito’y gawing baryo at pinayagan naman ng pamahalaan. Itoy tinawag nilang Huyon-uyon sa pamamagitan ng Kapitan BENITO OCTOMAN ,
Ibabang Tayuman
Noong unang panahon ay halos kagubatan at kaparangan ang makikita sa kabuuan ng pook na ito. Ito ay malapit sa tabing dagat. Ang unang nanirahan dito ay masasamanang loob tulad ng tulisan at mamamatay tao. Kinagiliwan nila ang manirahan dito sa dahilang madali silang makakita ng pagkain tulad ng baboy damo, usa at sa dagat naman ay malalaking isda upang magsilbing pang-ulam at ligaw na mga bungang-kahoy. Dito nila itinatago at ibinabaon ang kayamanan tulad ng ginto, pilak at sinaunang kasangkapan. May mga taong matatapang ang nakabalita sa kayamanang natatago sa pook na ito. Sila ay nangahas na dumaong sa lugar na may natatagong kayamanan na iniingatan ng mga tulisan, Datapwat ang gintong nakatago ay hindi nila natagpuan. Sa pagbabasakali ay sinikap nilang dito na manirahan. Utay-utay nilang hinapay ang malalaking kahoy upang linisin at tamnan ng sari-saring halaman. Sa paglipas ng ibang taon, nilisan ng mga tulisan ang pook na ito upang lumipat sa kanilang pagtataguan. Ang ibang ginto ay naiwan dito. Ang naging palatandaan nila sa pook na ito ay mga punong-kahoy na kung tawagin nila ay “Busdak”. Hindi na binalikan ang naiwang ginto. Lumipas na muli ang mahabang panahon. Ang mga anak-anakan na lamang ang nakabalik. Tinukoy nila ang mga punong-kahoy. Tiniyak nila ang lugar na pinagtataguan ng mga ginto. Tinawag nila noon ng Pasdak ang pook na ito.
Ang busdak isa sa mga sityo na matatagpuan sa bayan ng San Francisco. Ang kapitan del baryo ay tawagin nating “Dura”. Hiniling niya sa mga taong nayon na palitan ang pangalan ng nayon. Dahil sa pagtuklas ng isang manggagamot na ipinagligtas sa isang sakit na isang uri ng damo na tinatawag na “Tayum”. Kadalasan ay tinatanong ng mga tao ang damong iyon. Ang isinasagot ay Tayum man. Naging isang pook subali’t sa mabilis na pagdami ng tao, ito ay ginawang Ilaya at ibaba. Ang pook na ito ay malapit sa dagat, kaya’t ginawang ibabang Tayuman.. Ang pamunuan noon ay pinangungunahan ni G. Alfonso Aguila na silang kumatawan na ibukod ang nayong nabanggit. Sa kasalukuyan ang nayong ito ay tinaguniang Ibabang Tayuman. Pinagmithian ng tatlong kompanya at gayon din ng ating gobyemo. Noon ang kayamanang ginto ang nabanggit , subalit ngayon hinahanap nilang kayamanang ginto ay langis. Napakayaman ng nayong ito kung magkakatotoo. Ito ang magpapaunlad ng ating bayan at lalo’t higit ay maipagmamalaki ng ating bayan sapagka’t sa unang pagkakataon ay dito matatagpuan ang miminahing langis. Pinalawak upang madalaling maabot ng mga taong tumutuklas sa nasabing miminahin.
Ilayang Tayuman
Sa dakong hilaga ng bayan ng San Francisco ay may isang pook na kung pagmasdan mo’y napaliligiran ng mga bundok. Ang mayabong na halamang lumalabong sa kanyang malawak na lupain ay nagpahiwatig ng patuboy niyang pag-unlad. Sa ibang dako ng kanyang gubat at kaparangan ay may natitira pa ring mga lupang di-natitinag na mandi’y tanda na siya’y bata pa sa kasalukuyang panahon. Dahil dito ay marami pa rin ang malasakit na rito’y naninirahan Taun-taon. Dumaragsa ang iba’t-ibang tao buhat sa malalayong pook ng kapuluan. Talagang kahali-halina ang pook na ito, ang nayon ng Tayuman, maging ang kanyang pangalan ay para bang gayuma sa pagnanais na malaman ang natatago niyang alamat. Sinasabing sa lupaing ito ay wala pang maraming naninirahan noon ilang pamilya pa lamang ang buong tiyagang dito’y namumuhay. Sa kabila ng kanilang kahirapan ay kalagayan sa buhay sa di-inaasahang pangyayari ay dalawin sila ng malimit na karamdaman Gayon makatawid-bayan dahil sa kanilang karaltaan. Patuloy sila sa paghahanap ng lunas, hanggang sa isang araw ay may biglang dumating na dalawang pamilyang dito na rin nais manirahan. Sa kabila ng kanilang kalagayan ay buong puso pa rin nilang tanggap ang mga panauhin.
Sa kagandahang palad ang isa pala sa mga ito ay albubaryo.Bilang sa mabuting pagtanggap sa kanila ng may bahay ang albulanyc ay kusang-loob na nagalay ng panggagamot sa kanyang nalalaman. Nagsimula na siyang manaliksik ng mabuting panlunas sa karamdaman buhat sa iba’-ibang dahon at ugat ng mga halaman. Noon niya natuklasan ang isang uri ng damo ang pinakamabisang panlunas sa lumalaganap na sakit noon sapagka’t ang mag-asawang may karamdaman ay kanyang napagaling. Ang damong ito ay dili-iba’t ang Tayum Ang bisa nito ay natanyag sa buong nayon. Kaya marami sa mga tao ang naghahalaman o nagtatanim nito sa kani-kanilang paligid. Sa mga bakuran hanggang sa ito’y maging laganap sa nasabing pook. Halos sa lahat ng panig ay yumabong ang dahong Tayum nang panahong yaon.Kapag may taong nangagaling sa pook na ito at may nagtatanong ng SAAN KA NANGGALING? Ang isinasagot ay doon sa Tayuman na ang ibig sabihin ay doon sa pook na raming Tayum
Inabuan
Nasasaad sa alamat na ito kung papaano ito nagkaroon ng pangalan, kung kailan ito naging nayon ano ang kahulugan ng Inabuan. Maraming panahon na ang nakalipas ang bayan ng San Francisco (Aurora) ay isang nayon ng Mulanay na tinaguriang bondo. Ang nayong ito ay binubuo ng mga Sityo Inabuan na nagmula sa baybaying dagat sa kanluran at hanggang sa malaking ilog ng Malumbang sa silangan na siyang hangganan ng Aurora at San Andres. Noong mga panahong iyon kasalukuyang nananalasa ang malulupit at walang budhi na mga Kastila. Kayat ang mga sundalong Kastila ay laganap sa buong kapuluan. Samantala sa sityo ay may naninirahang
mag-asawa na kapiling ang kaisa-isa nilang anak na lalaki. Sa kasawiang palad ang lalaki ay ginupo ng mabigat na karamdaman na ikinasawi. Naiwan ang mag-ina na nagdaramdam sa kasawian at pighati dahil sa matinding pag-iisip ang ina ay nasira ang bait at nawala sa ganap na katinuan.Sa paglipas ng panahon ay naitaguyod nila ang pamumuhay nilang mag-ina hanggang siya’y magbinata Minsan ang mag-ina ay magkasamang umiigib ng tubig sa bayan at nakatagpo nila ang dalawang sundalong Kastila na nauuhaw at naghahanap ng tubig na miinom. Sila ay nagtanong sa binatilyo sa wikang Kastila “Que nombre de asta campo”? Ang ibig sabihin ay kung ano raw ang pangalan ng pook na iyon. Maikatlong nagtanong ang Kastila na hindi nauunawaan ng kanyang ina na halatang walang katinuan Kaya’t siya ay biglang napasigaw “Inang buang Ina-buang Natawa ang sundalo sabay lumisan. At mula nga noon ang pook na ito ay tinawag ng mga Kastila at ibang naninirahan dito na Inabuang Matuling lumipas ang mga taon, nilisan na ng Kastila ang kapuluan at ganap nang payapa ang bansa. Noong taong 1938, ng yumaong Pangulong MANUEL L. QUEZON Kaalinsabay nito ay tinawag na ang nayon ng sityo Inabuang av tinawag na Inabuan.Naging maunlad ho sa pamamagitan ng magiting na lalaking umugit sa pagpapa-unlad. At sa kasalukuyang ito ay isang maunlad na nayon sa ilalim ng Bagong Lipunan. Subalit ngayon lamang nalaman ng mga naninirahan dito ang kahulugan ng Inabuan ito pala ay salitang Bikol na ang kahulugan sa wikang Tagalog ay “INAYAWAN”. Kaya ng binabalak ng Sangguniang Pamunuan ng Nayon sa kapulungang bayan na palitan ng pangalan.
Nasalaan
Noong panahon rig mga Amerikano ay may pook sa bayan ng Aurora, Tayabas, na malimit na dinarayo ng mga mangangaso. Sapagkat narito ang mga gubat na mayoong malalaking punong kahoy. malalaking baboy-damo, usa at magagandang ibon.
Maraming magagandang bulaklak at matatabang halaman. Ito ay malapit sa tabing dagat, kayat ang mga tao ay hindi na lalakad ng malayo upang marating ang kagubatan Marami ring mga sasakyang dagat ang dumadaong dito upang magpalipas ng gabi o magpahinga. Ang iba naman ay tumatabi upang magluto ng kanilang pagkain kung ang alon ay malaki. Isang araw si Mang Ambo ay namamaril ng ibon, sa lugar na di-kalayuan sa tabing dagat ng isang Amerikanong sundalo ang lumapit sa kanya. Ang Amerikanong ito ay napadaan lamang dahil sila ay nagpapahinga sa napakagandang lakbayin. Dahil si Mang Ambo ay hindi marunong ng salitang English kayat ang mga tinatanong sa kanya ay hindi niya nauunawaan.
Noong tanungin siya kung anong bugar ito ang sagot niya ay NASALAAN dahil ang pagkaunawa niya ay itinatanong kung nahuli niya ang ibong kanyang binabanil. Sapagkat hindi niya tinamaan ang isinagot niya ay NASALAAN. Mula noon ay tinandaan ng Amerikano ang salitang Nasalaan at tuwing sila ay maglalakbay ay dumaraan ito sa lugar na ito upang mamahinga at ipinagmamalaki niya sa kanyang mga kapuwa Amenikano ang kagandahan ng pook na ito hanggang ngayon ay tinatawag ng Nasalaan.
Pagsangahan
Itong barangay ng Pagsangahan ay isa sa sa pinakamalaking barangay sa bayan ng San Francisco (dating Aurora) sa lalawigan ng Quezon (dating Tayabas). Ito ang pinakadulong nayon sa timog ng San Francisco o ng lalawigan rig Quezon. Tanaw na rito ang mga maliliit na isla rig Bantuin. Corseura, Sibuyan, Concepcion at Tablas, sakop na lalawigan ng Rombbon at ang Bulkan ng Mayon sa Bikol na tanyag sa buong mundo na pinagdarayo ng mga turista, dahil sa maaliwalas ng sikat ng haring araw sa dakong umaga, itong bulkan ng Mayon ay ipinagmamalaki ng sambayanang Pilipinas dahil sa pambihirang kagandahan na itinuturing ring isa sa mga itinatanging tanawin sa buong daigdig. Ito ay tinawag na Pagsangahan dahilan sa dalawang malalaking ilog ng Tumbaga at ilog ng Amuguis na sa paghahanap ng kanilang paglalagusan papuntang dagat ng Sibuyan ay nag-isa (llog ng Pagsangahan) na lamang bago dumating sa malaking dagat ; kung kaya’t ang dalawang sanga ng ilog, ay pinag-isa (isang kilometro buhat sa bukana ng ilog ng Pagsagahan). Haggang sa kasalukuyang panahon ang magkasangang ilog na pinag-isa ay matatagpuan pa nila dito sa nayon Pagsangahan sa pamamagitan ng mga maliliit na bangkang de-motor lalo na kung malaki ang tubig-dagat (taib).
Marami ang pakinabang dito sa ilog rig Pagsangahan. (1)Ang dalampasigan rito ay daungan ng mga maliliit na bangkang de motor na naghahakot ng mga tabla o tabbon, saku-sakong mais at kopras (2) at pinaghuhulihan ng mga isdang alat na tinatawag na “pugaw” (maliliit na isdang banak) kung kaya’t ang mismong nayon ay tinawag na Pugawan, iang kilometro buhat sa dalampasigan ng dagat . Noong unang panahon ang Sityo ng Pugawan ay may isang lugar na halos may kakaunting mga tao ang nakatira. Dito ay may matatagpuang isang panaw o sapa na malapit sa dagat na pinaghuhulihan ng mga tao ng mga maliliit na isda. Ang isdang ito ay tinatawag nilang pugaw (na ngayon ay tinatawag nating maliliit na banak. Sapagka’t marami ritong dumarayo ng panghuhuli nitong mga pugaw, ang pook na ito ay tinawag na PUGAWAN. Ang pook na ito ay hawak noong unang panahon rig isang pinunong Amerikano na kung tawagin ay Mr. Telding. Nang dumating ang mga Hapones, ang nakakuha naman ay si Mr. Matsuka. Nang siya ay umalis ay naiwan ang pamamahala sa kaniyang engkargado na Si Mr. Moromoto. Nang matalo ang mga Hapones sa ikalawang Digmaang Pandaigdig at sila’y napaalis sa ating minamahal na bansa ang lugar na ito ng Pugawan ay nakuha rig Pamahalaang Pilipino at hanggang sa kasalukuyan ay hawak pa rin ng ating pamahalaan.
Pugon
Noon ang ating bayan ay baryo pa lamang sa pangalang Bondo, na nasasakupan ng Munisipyo rig Mulanay. Ang ating mga pook noon, ay malayong-malayo sa kabihasnan, bihira ang mga sasakyang dagat dito sa ating baybayin, kung kayat ang mga tao ay hirap. Ngunit sa kabutihang palad, noong 1938, ang barrio Bondo ay naging munisipyo sa pamamagitan ni Pangulong Manuel L. Quezon, nang siyay dumating dito sa ating bayan. Ito ay sa tulong ng yumaong Don Venancio Queblar at ilan sa magigiting na taong baryo. Buhat noon ay nagkaroon ng paghahati ang lugar na ito sa mga nayon at sityo o purok. isa sa mga pook na to
ang Maniongon. Ang lugar na lo ay kagubatan, bulihan at maraming babay-damo at usa Buntal at pangangaso ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao rito. Bihira ang mga taong nakakarating dito sa bayan dahil sa kalayuan kung kaya’t sila ay malayo sa kabihasnan. Subalit sa di irinasahang pangyayaayn ay mayroong nagdagaa na isang malaking pugon ng barko Ang mga tao ay nagtaka, araw-araw ang mga tao ay paroon at parito. Sa naging kaugalian nilang ito ay hindi maaalis sa kanilang isip ang magtanong sa isat-isa na kung saan ka nanggaling o saan ang iyong punter? At ang nagiging kasagutan ay ang ganito “Buhat karnisa Pugon”, Maraming taon ang lumipas at maraming tao ang nanirahan dito. Ang Maniongon ay naging pangkananiwang sitio o purok na lamang. Ito ang naging sentro at binigyan ng pamahalaan ng lote at bahay-paaralan, na hanggang sa Kasalukuyan ay nayon ng PUGON. Ngayon, sa tulong ng Pamahalaan, ang mga taong naninirahan sa Nayong ito ay namumuhay ng tahimik at mapayapa habang sila ay nagigising ng unti-unti tungo sa kabihasnan. Ito ang kasaysayan na siyang kinikilalang Nayon.
Silongin
Isa sa mga umuunlad na nayon ng San Francisco ay ang Silongin. Dito’y matatagpuan ang mga kayamanang nararapat bigyan ng wastong kalinangan; katulad ng mayamang ilog, malawak na kapatagan at kagubatan. Sang-ayon sa mga matatanda ang nayon ng Silongin ay nagsimulang magkaroon ng pangalan ng minsang may mag-asawang naglalayag sa karagatan patungo sa pook na kanilang tinitirhan dala ang kanilang ikinabubuhay.sa dahilang may kalayuan ang bayan ng patutunguhan ng mag-asawa, sila ay sinamang-palad na abutan ng hanging habagat na siyang naging dahilan ng naglalakihang alon, kaya sila ay napipilitang gumaod patungo sa ilog na dati-rati’y tinatawag ng “Silungan”. Ang mag-asawa sa kabutihang palad ay malualhating nakarating sa ilog at doo’y pinalipas nila ang sama ng panahon. Sa paglipas ng maraming panahon ang dating pinamamahayan ng maraming pamilya na buhat sa iba’t-ibang lalawigan at ang ilog na pinagmulan rig kasaysayan ay siya pa ring ginagawang “SILUNGAN O TAGUAN ng iba’t-ibang uri ng mga bangka sa tuwing darating ang panahon ng habagat, at tuwing magkakanoon ng sama ng panahon.
Land Area
The municipality of San Francisco is consisting of sixteen (16) Barangays; Poblacion is classified as urban and the rest is rural. The Total land area is 30,396 hectares. The four largest barangays in terms of land area are: Huyon-Uyon, rank number one (1) or 12.23%; second is Pagsangahan, 10.52%; third is Casay, 7.62% and the fourth is Nasalaan, 7.56% of the total land area, respectively.
Barangay | Land Area | % |
Huyon-Uyon | 3,718.48 | 12.23% |
Pagsangahan | 3,200.00 | 10.52% |
Casay | 2,318.01 | 7.62% |
Nasalaan | 2,300.00 | 7.56% |
Mabunga | 2,277.98 | 7.49% |
Inabuan | 2,269.49 | 7.46% |
Sto. Niño | 2,187.53 | 7.19% |
Ila. Tayuman | 2,070.85 | 6.18% |
Butanguiad | 1,908.00 | 6.27% |
Pugon | 1,898.00 | 6.23% |
Cawayan 1 | 1,725.43 | 5.67% |
DJV | 1,448.00 | 4.76% |
Silongin | 1,417.61 | 4.66% |
Iba. Tayuman | 822.81 | 2.70% |
Cawayan 2 | 790.29 | 2.59% |
Poblacion | 45.52 | 0.14% |
Total | 30,396.00 | 100.00% |