TESDA Accredited Courses.

San Francisco, Quezon Avatar
TESDA Accredited Courses.

Nais po naming ipabatid sa inyo ang isang magandang oportunidad para sa mga kababayan nating nais sumailalim sa TESDA Trainings.

Sa tulong ng “Iskolar ni Juan”, isang programang inilunsad ng Gokongwei Brothers Foundation, mabibigyan natin ang mga Aurorahin ng pagkakataong sumailalim sa pagsasanay sa pamamagitan ng kanilang TESDA Accredited Courses.

Ang magandang balita, LIBRE po ito! Hindi na natin poproblemahin ang tutuluyan, pamasahe, at mga gagamitin sa pagsasanay, lahat po ito ay libre!

Sa mga nais mag-apply, bumisita lamang po sa tanggapan ng Public Employment Service Office – PESO – San Francisco, Quezon, o lumapit sa inyong barangay upang alamin ang detalye ng “Iskolar ni Juan Program”. Sa iba pang mga katanungan, magiwan lamang po ng mensahe sa aming Facebook page.