π‘π€ππŠ 𝟐 𝐬𝐚 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐒𝐧𝐠 π‹π¨πœπšπ₯ 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐌𝐨𝐧𝐒𝐭𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 π‚π¨π¦π¦π’π­π­πžπž (π‹πŒππ‚) 𝐟𝐨𝐫 π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ‘

Isang karangalan po para sa ating Lokal na Pamahalaan ng San Francisco ang kilalalin ng Provincial Planning Development Office (PPDO) bilang π‘π€ππŠ 𝟐 𝐬𝐚 𝐁𝐞𝐬𝐭 𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐒𝐧𝐠 π‹π¨πœπšπ₯ 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 𝐌𝐨𝐧𝐒𝐭𝐨𝐫𝐒𝐧𝐠 π‚π¨π¦π¦π’π­π­πžπž (π‹πŒππ‚) 𝐟𝐨𝐫 π‚π˜ πŸπŸŽπŸπŸ‘ sa buong lalawigan ng Quezon.

Ito po ay tinanggap ng ating mga kasama sa Queen Margarette Hotel sa Lucena City ngayon araw. Ang pagkilala na ito ay hindi mangyayari kung hindi sa kapit-bisig na pagtutulungan ng iba’t ibang kawani ng lokal na pamahalaan na miyembro ng komite.

Nais din naming ipahayag na ito ang UNANG pagkakataon na natanggap ng bayan ng San Francisco ng ganitong parangal. Ipinapakita nito ang kahalagahan at kahusayan ng komite sa pagsusulong ng mga proyektong naglalayong mapabuti ang kalagayan ng ating komunidad.

Ang KARANGALAN na ito ay handog namin sa lahat ng mga AURORAHIN para sa tunay na PAGBABAGO, ASENSO, at TAGUMPAY ng Bayan ng San FRANCISCO!