Congratulations, Team SanFo para sa Niyogyugan Festival 2023!

San Francisco, Quezon Avatar
Congratulations, Team SanFo para sa Niyogyugan Festival 2023!

BASAHIN | Hayaan niyo po akong magbigay ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga naging kinatawan ng ating bayan sa kakatapos lamang na Niyogyugan Festival 2023! Hindi man natin naabot ang mga kampyeonato pero ipinakita natin sa muling pagkakataon na hindi lamang tayo isang bayan na nasa dulo ng Bondoc Peninsula kundi NAGKAKAISANG BAYAN na HINDING-HINDI MAGPAPAHULI sa larangan ng pangmalakasan! ONE SAN FRANCISCO!

Congratulations, TEAM SANFO sa pagkamit ng ika-labing lima (TOP 15) sa 41 na mga munisipalidad na sumali at TOP 2 naman sa buong BONDOC PENINSULA!

Sa lahat po ng mga kalahok, mga dancers ng SanFo AllStars sa pangunguna ng mga choreographers na sina Mrs. Gaylen Ramirez at Mr. Karl Kervin Jarino at mga dancers ng Tagayan Dance Ritual sa pangunguna ni Mr. Dareen Jhaye Mangaya at Mr. John Christopher De Ramos na ipinakita na talagang may laban sa larangan ng sayawan ang mga Aurorahin.

Sa mga kabataan na nakipagtagisan ng talino sa MLQ Quiz Bee sa pangunguna ng DepEd San Francisco, kay Bb. Philline Ariola at G. Aldrin Ejuarango na nagpakitang gilas sa G. at Binibining Niyogyugan, sa mga kinatawan ng COCOLYMPICS at COCOZUMBA, sa ating Office of the Municipal Agriculturist at sa mga naging katulong natin sa AGRIBOOTH at FLOAT, at sa lahat ng mga AURORAHIN na SUMUPORTA sa lahat ng ating mga pambato sa buong Niyogyugan Festival.

Lalo’t higit sa punong abala sa likod ng mga tagumpay na ito, ang ating TOURISM OFFICE sa pangunguna ni Mr. John Roland EdaΓ±o na ginawa ang lahat para maitawid at ilaban ang ating bayan.