Rice Distribution Caravan

October 12, 2022 | Municipality of San Francisco

Ngayong araw ay dumalo tayo sa CARAVAN DISTRIBUTION of Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmer Financial Assistance (RCEF-RFFA) Program na Programa ng Department of Agriculture para sa mga magsasaka ng San Francisco at Mulanay sa pangunguna ng District III Congressman Cong Reynante Arrogancia, Bokal JJ Aquivido, Sangguniang Bayan ng LGU San Francisco sa pangunguna ni Vice Mayor Kresna Fernandez at LGU Mulanay sa pangunguna ni Vice Mayor Jay Esplana Castilleja.

Ang Programmang ito ay naglalayong tulungan ang mahigit na 200 na mga magsasaka ng palay na lalong maging produktibo at epektibo sa larangan ng agrikultura gamit ang ipinagkaloob na 5,000 pesos at fuel subsidy ng programmang ito.

Naway maging isa sa daan ito upang mas lalong umunlad ang larangan ng agrikultura sa Bayan ng San Francisco.

1SanFo

FeeltheLoveinSanFo

TheRisingSanFrancisco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *