NutriBun Helen Tan

Ngayong araw po ay dumalo tayo sa Lungsod ng Lucena sa Launching ng Enhanced Nutriban kasama sina Governor Doktora Helen Tan, PHO II Dra. Kristin VillaseΓ±or-Mercado, PNAO Joan Decena, Dra. Juvy Purino, Dra. Mariel Gonzales, mga kapwa natin Municipal Mayors, Municipal BNS President, Nutrition Action Officers at iba pang mga bisita.

Sa pagdaan po ng panahon ay nadadagdagan ang mga malnourished, stunted at obese na mga kabataan sa ating bayan. Tulong-tulong po tayo na mabigyan ng pansin ang kalusugan ng ating mga kabataan at napapanahon ang paglulunsad ng programa ng Enhanced Nutriban.
Nagpapasalamat po tayo sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan na sa pamamahagi ng Nutriban ay makakatulong para sa dagdag sustansiya sa mga kinakain ng ating mga kabataan.

At sa pagtutulungan ng ating Municipal Nutrition Action Officer at ng Barangay Nutrition Scholars, makakamit natin ang maayos na kalusugan ng kabataang Aurorahin.

#1SanFo #FeeltheLoveinSanFo #TheRisingSanFrancisco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *