Seminar and Training

Standard First Aid(SFA) and Basic Life Support Training for Healthcare and Lay Rescuer Training Course

Binabati ko ang staff ng PDRRMO sa pangunguna ng kanilang Training Officer, si G. Guillermo Rago III at sa lahat ng bumubuo ng MDRRMO sa pamumuno ng bagong talagang (newly appointed) opisyal nito na si Engr. Leopoldo Garcia II CE, at mga staff ng RHU na kabilang sa mga magsasanay sa isang linggong training na ito.

Napapanahon at angkop ang pagdaraos ng pagsasanay na ito ukol sa First Aid at Basic Life Support dahil bagong buo ang ating MDRRM Office na ngayon ay pinamumunuan ni Engr. Leopoldo Garcia II at maging ang MDRRM Council ay bagong buo rin.

Ang pagsasanay na ito ay mahalagang bahagi ng ating pangkalahatan at sistematikong pagharap sa mga hamon ng mga sakuna at sa CLIMATE CHANGE na dulot ng GLOBAL WARMING, lalo pa’t dumanas na ng ilang malalakas na bagyo ang ating bayan nitong nakaraang ilang taon.
Nararapat na mayroon tayong kaalaman paano magliligtas ng buhay, at mapapangalagaan ang ari-arian ng ating mga kababayan.

Nawa’y marami kayong matutunan at maisapuso ang mga ituturo ng ating mga panauhing tagapagsanay. Hangad ko ang isang matagumpay na pagsasanay ninyo!
Maraming salamat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *