Sa mahigit na 100 Araw ng Panunungkulan natin sa Pamahalaan ng San Francisco ay iniulat po natin ang kalagayan ng ating bayan simula nung umupo tayo sa munisipyo at mga nagawa na nating mga programma at accomplishment ng LGU San Francisco sa pagbibigay serbisyo sa bayan.

Kasabay nito ay ang opisyal na paglunsad ng Orchestrated and Rearranged Version ng “Himno ng San Francisco” na inawit ni Rj EdaΓ±o at opisyal na Tourism Song ng San Francisco na “Feel the Love in SanFo” na inawit nina Andrew Steven Tan, Well Lester Cacal, Elaine Zarsuelo, Jella Tillada, Rea Contreras at Rj EdaΓ±o.

Sa lahat po ng sumabaybay sa Munisipyo at Facebook Live, maraming Salamat po sa pakikinig at asahan ninyo na mas lalo pa naming gagawin ang aming makakaya kasama na ang buong pwersa ng LGU San Francisco sa pagbibigay serbisyo sa mga Aurorahin ng sa gayon ay patuloy tayong magkaisa para sa ISANG SAN FRANCISCO.

Mga mahal kong Aurorahin, tunghayan ang aking Ulat sa Bayan sa na ginanap noong ika-14 ng Nobyembre, 8:00 ng umaga, Video was LIVED dito sa aking Facebook Page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *