Ngayong araw po ay ipinamahagi natin ang DSWD Relief Packs na mula kay Congressman Reynante Arrogancia para sa mga kababayan natin sa Gregorio G. Edaño Sr. Elem. School, Brgy. Nasalaan. Nakapaloob po sa mga relief food packs ang bigas, canned goods at kape na makakatulong sa kababayan natin. Ito ay ipinamahagi sa pangunguna ng team ni Congressman Reynante Arrogancia at si Konsehal Olan Edano bilang representative ng LGU San Francisco.

Matapos po ito ay bumisita rin sa tanggapan natin si STAN Representative Razel Barrera kasama si Municipal Vice Mayor Kresna Fernandez upang magpasalamat sa actibidad kanina.
Maraming Salamat po kay Congressman Reynante Arrogancia para sa additional na tulong na ibinigay nyo sa aming bayan! Tunay talaga tayong nagkakaisa sa 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦𝗖𝗢!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *