Personal po tayong nag-inspect sa ating Municipal Public Market upang tingnan ang kalagayan ng ating palengke. Masaya po ako na nakita kong sumasalamin na ang ginawa nating programa pagdating sa pagkalahatang kalinisan at kaayusan ng ating palengke. Legal ang mga nagtitinda at pasok sa pamantayan ng kalidad ang mga tinitinda.

Ito po ay hindi maisasakatuparan kung hindi rin sa pakikipagtulungan ng ating magigiting na magtitinda at mga mamimili na pagtuloy na sumusuporta sa mga programa natin.
Asahan niyo po na sa pamamagitan ng pagtutulungan nating mga kababayan kong Aurorahin ay patuloy nating maabot ang ating layunin na magkaroon ng tunay na progreso at tagumpay para sa ating mahal na bayan ng San Francisco.

“TAYO NA at MAGTULUNGAN para sa ISANG SAN FRANCISCO!”