Ang Pamahalaang Lokal ng Bayan ng San Francisco ay nagnanais ng lubos na kaayusan at kalinisan ng bayan, gayon din ang pagsugpo sa suliranin ukol sa patuloy na pagdami ng basura. Dahil po dito ay ang kaagarang aksyon upang maibsan o mabawasan ang mga basurang nagdudulot ng masamang epekto sa ating kapaligiran.
Isang ordinansa na may bilang 001-2011 na nag-aatas ng pagbabawal sa paggamit ng plastik laloβt higit ay iyong tinatawag na single-use na ang ibig sabihin ay matapos gamitin o paglagyan ay hindi na muling magagamit at kara-karaka ay basura na.
Sang-ayon sa pag-aaral, ang plastic ay tumatagal ng mahigit 20-500 taon bago malusaw o mabulok ayon sa uri nito. Kayaβt walang magandang idudulot ang paggamit nito.
Sa IKA-8 NG PEBRERO ARAW NG MIYERKULES, taong kasalukuyan ay ipapatupad ang pagbabawal ng paggamit ng mga plastik bilang pambalot at lalagyan. Sa lahat ng mga manininda at bumibili ay inaatasang gumamit ng makakalikasang lagayan tulad ng bayong, balutang papel, fish net at mga kahalintulad nito. Ang sinumang maaktuhang nagtitinda, bumibili at gumagamit ng plastik ay papatawan ng kaukulang multa sang-ayon sa nakasulat sa ordinansa.
Inaasahan naming ang inyong pakikiisa sa patuloy na pag-unlad, sulong ONE SAN FRANCISCO para sa PAGKAKAISA at PAGBABAGO.
MULA SA TANGGAPAN NG PANGKALIKASAN AT PANGKAPALIGIRAN PAMAHALAANG LOKAL NG BAYAN NG SAN FRANCISCO.