Napagtibay sa natapos na pagpupulong ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Kgg. MA. KRESNA E. FERNANDEZ, Pangalawang Punongbayan, ang mga sumusunod na resolusyon:
• Pagkilala sa 4K Ibabang Tayuman
• Pagpapagawa ng Farm-to-Market Road sa Barangay Cawayan I para sa mas mabilis na pagpapaabot ng serbisyo at mas maayos na daanan para sa nasasakupan.
• Annual Budget ng Barangay Silongin
• Supplemental Budget ng Brgy. Butanguiad, Cawayan I at Huyon-Uyon
• Paghiling kay Presidente Ferdinand Marcos, Jr. na gawing Local Holiday ang ika-30 ng Abril na pinagtibay na Araw ng Pagkakatatag ng bayan ng San Francisco ayon at batay sa dokumentong nasa pangangalaga ng National Historical Commission of the Philippines.
Nasa patuloy pa ring pagkalap ng mga kinakailangang dokumento ang Lokal na Ehekutibo para sa pagtatatag ng Colegio de San Francisco at sa kasalukuyan ay nasa pag-aaral ng Sangguniang Bayan.