Nakiisa po tayo sa Proper Solid Waste Management Orientation/Seminar kaisa ang lahat ng MENRO at Utility Staff ng Munisipyo sa Municipal Training Center ngayong araw. 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗻𝗴 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝘀𝗮 𝗣𝗔𝗡𝗚-𝗞𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗚𝗜𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦𝗔𝗡 po ang pangunahing layunin natin para sa aktibidad na ito.
Ito ay naisakatuparan sa inisyatiba ng ating Municipal Environmental and Natural Resources Office sa pangunguna ni MENRO Rico Edades upang bigyan ng adisyunal na kaalaman ang mga manggagawa ng pamahalaan at paano sila mas magiging epektibo sa kanilang serbisyo.
Maraming Salamat sa mga kawani ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) na nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa Orientation na ito.
Leave a Reply