When

Friday, August 4, 2023    
All Day

Event Type

TINGNAN | Philippine Multisectoral Nutrition Project Regional Launching and Commitment Signing

Matapos po ang launching ng PHILIPPINE MULTISECTORAL NUTRITION PROJECT (PMNP) noong nakaraan Marso 2023 ay nakiisa naman po tayo sa Launching nito sa Region IV-A at pakikiisa sa pamamagitan ng Commitment Signing ng mga bayan na pangunahing benipisyaryo ng programa nito.

Bagama’t kabilang ating bayan sa may mataas na bilang na malnoursihed at stunted kids ay naniniwala ang inyong erpat na sa pamamagitan ng programang ito kasama ang pagtutulungan nating lahat ay mababawasan natin ang mga bilang na ito.

Kasama po natin na nakiisa ang ilang kawani ng ating pamahalaan lokal sa katauhan nina Municipal Administrator Jeffrey Jumarang, RHU Head Doctor Enzo Orense, MSWDO Head Peachy Villanueva at ang ating bagong Nutrition Action Officer Nurse Rioben Delos Reyes.

Asahan niyo po na sa mga susunod na mga panahon ay maiimplementa na natin ito sa ating bayan na naglalayong labanan ang usaping pagkabansot at malnutrisyon.

Sa Healthy Pilipinas, lahat malakas!Multi-Sectoral

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *