85th Founding Scheds

SAN FRANCISCO! FIESTA NA! BUWIG-BUWIG FESTIVAL NA!

Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-85 taon ng pagkakatatag ng ating bayan kasabay ang makulay na Buwig-Buwig Festival 2023, inihahandog ng Lokal na Pamahalaan ng San Francisco, Quezon ang tatlong araw na selebrasyon na puno ng iba’t ibang kapana-panabik na mga aktibidad na para sa lahat ng mga minamahal naming Aurorahin!

Halina’t lumahok at makisaya sa pagsalubong sa anibersaryo ng ating bayan. Mapapanuod at gaganapanin ang mga ito sa ating New Municipal Complex, Brgy. Cawayan 1, San Francisco, Quezon.
Para sa ating mga kababayan na hindi makakapunta, maaring abangan at panuorin ang live stream ng bawat event sa ating social media pages.