Public Hearing para sa College.

PUBLIC HEARING | March 06-07, 2023

Simula po kahapon ay nagpatawag po ng PUBLIC HEARING ang ating Sangguniang Bayan of San Francisco, Quezon sa pangunguna ng ating Vice Mayor Kresna Fernandez kasama ang ating mga konsehal sa Municipal Evacuation Center. Dito ay pinagusapan ang iba’t ibang isyu at mga ordinansa na ipinipatupad at isinagawa ng Pamahalaan. Dumalo dito ang iba’t ibang mga kawani ng mga organization at grupo na saklaw sa paksa na pinagpupulungan.

Ilan sa mga nagpagusapan sa Public Hearing na ito ay ang mga Ordinansa patungkol sa alituntunin ng mga Motorsiklo na may Modified Mufflers, Illegal na Pagsusugal at Pasugalan, at ordinansa patungkol sa pagtatayo ng San Francisco Municipal College/SAN FRANCISCO COLLEGE kasama na mga mahalagang bagay na saklaw dito.