Sa pangunguna ni Kgg. MA. KRESNA E. FERNANDEZ, Pangalawang Punongbayan, ay napagtibay sa kapulungan ang mga sumusunod na resolusyon
• Annual Budget ng mga barangay ng Ibabang Tayuman, Nasalaan at Sto. Niño na makatutulong sa mabilis na pagdaloy ng mga proyekto at programa sa mga nabanggit na barangay.
• Memorandum of Agreement sa pagitan ng Punoongbayan at Wave Radio na magagamit sa pag-aanunsyo at pagpapabatid ng mga serbisyo, proyekto at programa ng ating Lokal na Pamahalaan.
• Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lokal na Punong Ehekutibo at Polytechnic University of the Philippines para sa pagsasagawa ng review sa mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan na kukuha ng Career Service Examination.
• Pagbibigay ng ng authorization sa MSWDO na makapagbigay mula Php1.00 hanggang Php10,000.00 na outright cash sa AICS, scholarship at donations.
Nasa masusing pag-aaral pa at pagtatakda ng araw ng pagsasagawa ng Public Hearing ng Sanggunian ang ordinansa sa pagtatayo ng Collegio de San Francisco at pagbabawal sa mga sasakyang binago ang tambutso (Modified Muffler).
Ngayong araw ay magsasagawa na ng Committee Hearing ang Komitiba tungkol sa pagbabawal ng ilegal na laro at sugal.