“Magsama-sama po tayo upang kumpletuhin ang mga pangarap at pananaw na ito. Isang Education System na patas, inclusive at equitable para sa susunod na salinlahi ng mga Aurorahin.”
Isinigawa po natin ang Education Summit sa layuning ayusin at linawin ang mga nararapat na hakbangin para sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon dito sa ating bayan. Kabilang sa mga nakiisa sa programmang ito ang mga kawani ng DepEd Quezon sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Rommel C. Bautista, CHED Region IV-A sa pangunguna ng kanilang kinatawan na si CHED Education Supervisor Mr. Pelagio C. Labang Jr. at mga Supervisors, Principal at guro ng ating bayan.
Masaya po ako dahil nakikita ko po na nagbubunga at hindi sayang ang mga ginawa nating mga hakbang at pagsisikap upang matupad ang ating pangarap na SAN FRANCISCO MUNICIPAL COLLEGE, Conversion ng ilang Elementary Schools to INTEGRATED SCHOOLS at ibang proyekto sa larangan ng edukasyon. Alam ko po na mahaba pa ang ating lakbayin pero hindi titigil ang inyong ERPAT para maisakatuparan ito.
Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa sa programa nating ito!