Training and Seminar

Sa pakikipag-ugnayan kasama ang Center for Health Development (CHD4A) ay nagsagawa ng Program Implementation Review (PIR) at Data Validation on Field Health Services Information System (FHSIS) nitong nakaraang November 21-23, 2022 sa St. Jude Coop Hotel and Event Center Brgy. Isabang, Tayabas, City.

Ipinadala bilang kinatawan ng RHU at LGU San Francisco sina Ms. Mariela Rose Marquez (Nurse I) at Mr. Mark Rocafor De Belen (Administrative Aide).

Ang pagsasanay na ito ay naglalayong suriin kung ang mga tagapagpahiwatig ng programa ay natugunan, suriin ang pagganap ng pagpapatupad ng programa na maaaring gawin upang ma-optimize ang mga serbisyong pangkalusugan na ibinibigay sa komunidad.