When

Wednesday, March 15, 2023    
All Day

Event Type

Total of 432 Established Legal Business

Matapos ang mahigit 3 buwan na pangangampanya ng Pamahalaang Bayan ng San Francisco hinggil sa tamang pagpaparehistro ng legal na pagnenegosyo, kabilang dito ang pagsasagawa ng Joint Inspection for Business Establishments bago matapos ang taong 2022 at Business One-Stop Shop sa simula ng taong 2023 ay ipinagmamalaki po naming ipapahayag na ang kabuuang rehistradong establisyimento ng negosyo ay 432 na (as of March 15, 2023).

Ito ay 48.45% na mas mataas kaysa sa nakaraang taon at pinakamataas na bilang simula noong taong 2017. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang dahil sa inisyatiba ng inyong lingkod kundi ang sama-samang pagsasakip ng iba’t ibang departmento.

Asahan niyo po na isa pa lamang ito sa mga hakbangin natin upang tunay nating maabot ang iba’t ibang progreso na ninanais natin para sa ating ONE SAN FRANCISCO!

Source: Municipal Business Permit and Licensing Office