Exemplary - Benz Edfred Pilapil Ortiz
Tagumpay bilang kinatawan ng Bayan ng San Francisco.

When

Monday, October 23, 2023    
All Day

Event Type

Benz Edfred Pilapil Ortiz, Tagumpay bilang kinatawan ng Bayan ng San Francisco sa DSWD’s 4Ps Exemplary Child 2023!

Nagagalak kami na ibalita ang kahanga-hangang tagumpay ni Benz, ang ating napiling kinatawan sa DSWD’s 4Ps Exemplary Child 2023. Nagsimula ang tagumpay ni Benz sa pagkakamit niya ng parangal sa pagpakitang gilas sa larangan ng pagkanta at pagsayaw bilang kinatawan ng Brgy. Nasalaan sa ating bayan (Municipal Level) kung saan kinilala ang kanyang kahusayan at dedikasyon.

Sumabak din siya sa Catanauan, Quezon at wagi bilang kinatawan ng 3rd-District ng Quezon sa Lucena City kung saan siya ay naging finalist. Hindi man nasungkit ang kampeonato ay ipinakita niya ang lahat para patunayan na may ilalaban ang talento ng mga Aurorahin!

Makiisa tayo sa pagdiriwang para kay Benz Ortiz, isang inspirasyon para sa ating lahat! 🌠 Ang kanyang determinasyon at tagumpay ay nagbibigay-inspirasyon sa atin na mangarap ng mataas at gawin itong katotohanan.

Si Benz ay anak ng proud na mag-asawang Jay at Ronelisa Ortiz. Maraming Salamat din kay Sir Louie Dimaano at Mam Rachelle Cortez Salvaleon na nagsilbing Trainor/Mentor ni Ben.

Congratulations, BENZ!

(The search for exemplary Pantawid Pamilya Children is an annual event organized by DSWD’s 4Ps. This aims to recognize 10 to 14-year-old program beneficiaries who have set excellent examples at home, in school, and in the community.)