When

Wednesday, September 13, 2023    
All Day

Event Type

Masaya po tayong nakiisa ngayong araw sa Regional Licensing Summit: Paving the Road to Primary na mainorganisa ng Center for Health Development CALABARZON ng Department of Health sa The Manila Hotel.
Buong puso po tayong nagpakita ng pahayag ng pakikiisa sa pamamagitan ng pagperma sa Pledge of Commitment sa pagtaguyod ng mga pasilidad na pangkalusugan at pagsusulong ng abot-kayang serbisyong medikal alinsunod sa Universal Health Care ng pamahalaan.
Maraming salamat po sa ating DOH Secretary Teodoro Herbosa at DOH Calabarzon Regional Director Dr. Ariel I. Valencia na pinangunahan na maisakatuparan ang kaganapang ito.
Salamat din kay Municipal Administrator Jeffrey Jumarang at Municipal Health Officer Dr. Enzo Orense na nakasama ko at naging saksi sa ating pakikiisa sa programang ito.