When

Tuesday, May 23, 2023    
12:00:00 AM

Event Type

Prdp ProjectsPatuloy po ang ating mga hakbang sa pagbisita sa iba’t ibang ahensya ng Gobyerno upang personal na linawin at ayusin ang mga kinakailangang requirements sa mga programang alam kong makakatulong sa mga kababayan kong Aurorahin.

Ngayong araw po, personal tayong pumunta sa Department of Agriculture sa Lipa City, Batangas at nakipagusap kay Regional Executive Director Milo D. Delos Reyes, CESE upang makipagtulungan sa pagsasaayos ng programa ng DOA na Philippine Rural Development Project (PDRP).

Asahan niyo po na ang inyong Erpat ay hindi titigil na makipagugnayan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno upang mapaabot ang tunay na PAGBABAGO, ASENSO, AT TAGUMPAY ng bayan ng SAN FRANCISCO.