When

Wednesday, March 22, 2023    
All Day

Where

San Francisco, Quezon
Barangay Poblacion, San Francisco, Quezon, Philippines, 4315, Quezon

Event Type

Map Unavailable

Matagumpay na naisagawa ngayong araw, March 22, 2023, ang MPMC Meeting and Project Inspection para sa mga isinasakatuparang proyekto ng San Francisco kabilang ang :
1. Completion of New Government Building
2. Construction of San Francisco Market Building
3. Improvement of New Public Cemetery.

Pinangunahan ito ng tagapangulo ng MPMC, Municipal Administrator Jeffrey Jumarang kasama ang mga miyembro mula sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamalaan at kinatawan ng Civil Society Organization.

Sa pamamagitan nito, nasisiguro nating maayos na naisasakatuparan ang mga proyektong pangkaunlaran ng ating bayan at agarang natutugunan ang mga kaugnay na usapin at suliranin.
Nagpasa rin ng resolusyon ang MPMC na nag-aapruba sa Field Monitoring and Desk Monitoring Plans at RPMES Form 1- Initial Project Report for FY 2023 ng LGU San Francisco.

Bahagi ang gawaing ito ng regular project monitoring para sa mas pinahusay, hayag, mapanlahok, at mapanagutang pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.