When

Thursday, August 17, 2023    
All Day

Event Type

Mga kapwa ko Aurorahin, eto na po, tuloy-tuloy po ang ating mga ginagawa para sa nalalapit na pagbubukas ng ating San Francisco Municipal College. Kasalukuyan pong sumasabak sa interview ang mga nakapasang AURORAHIN sa Entrance Exam dito sa munisipyo.
Masayang-masaya po ako sa nakikita kong suporta na galing sa inyo simula pa nung una hanggang ngayon. Asahan ninyo po na patuloy ang inyong Erpat sa pagsuporta sa mga programang pang-edukasyon para sa PAGBABAGO, ASENSO at TAGUMPAY ng mga KABATAANG AURORAHIN!