When

Friday, July 28, 2023    
All Day

Event Type

college unang araw

Maagap pong pumila ang mga kabataang Aurorahin na nais subukan na makapasok sa ating San Francisco Municipal College ngayong darating na pasukan. Ito ay matapos po ang pag-aanunsyo natin ng simula ng aplikasyon kahapon sa aking Ulat sa Bayan.

Buong puso po ang kaligayahan ng inyong Erpat sa pagdumog ng mga kabataan na ito sa unang araw ng Application Period at makita na magkaroon sila ng panibagong daan na nakatuong magpapabago ng kanilang buhay sa hinaharap.

Sa suporta ng mga kababayan ko para sa programa nating ito, MARAMING SALAMAT PO!

Para sa PAGBABAGO, ASENSO at TAGUMPAY ng SAN FRANCISCO!