SIM Card Registration Act | MGA DAPAT GAWIN AT ALAMIN

San Francisco, Quezon Avatar
SIM Card Registration Act | MGA DAPAT GAWIN AT ALAMIN

Ang Republic Act No. 11934, o ang SIM Card Registration Act, ay nilagdaan bilang batas noong Oktubre 10, 2022 upang makatulong sa pagsugpo sa mga scam at iba pang krimen at noong Disyembre 12, inilabas ng National Telecommunications Commission ang mga alituntunin nito na nag-aatas sa lahat ng Pilipino na irehistro ang kanilang SIM card.

Mula December 27, 2022, may 180 araw ang publiko para mairehistro ang SIM CARD nila bago ito automatic na ma-deactivate.

Lahat din ng mga mabibiling bagong SIM mula December 27 ay deactivated at kailangang iparehistro upang magamit ng mga subscribers.

Paano i-register ang SIM Card?
STEP 1: Ang mga network providers ay naglabas ng official link para sa kanilang mga subscribers. Ito ang mga link na ito:
• Smart/TNT/Sun subscribers: smart.com.ph/simreg
• Globe/TM/Gomo subscribers: new.globe.com.ph/simreg
• DITO subscribers: dito.ph/RegisterDITO

STEP 2: Ibigay ang mga sumusunod na impormasyon na hinihingi ng website.
• Full Name
• Birthday
• Sex
• Address
• Valid Government ID
• Selfie with ID

STEP 3: Itago ang Reference number na ibibigay for future uses.
GANUN LANG KADALI!
KAYA MAG-REGISTER KANA!
Isang paalala mula sa San Francisco, Quezon Public Information Office.