event legislative exec

Naging matagumpay at makabuluhan po nating naidaos ang ELA 2023-2025 na ginanap noong September 5-7, 2022, sa Hotel Venezia Legaspi City, Albay. Maayos po nating naisagawa ang mga konkretong plano, mga magagandang programa at proyekto na makakatulong sa ating mga kababayan sa pangunguna ng inyong lingkod, Vice Mayor Kresna Fernandez, Sanggunian Bayan Members, mga pinuno ng mga tanggapan at Technical Working Group. Maraming salamat po Provincial Director Darrell I. Dizon, CESO V, DILG Quezon, Sir Gerardo C. Gabin, Cluster Head, DILG Quezon Province, at Sir Shazer Leo E. Ambas, OIC Section Chief, DILG Quezon Province.


Titiyakin natin na maisasakatuparan ang mga proyekto at programa na nakasentro sa adhikaing lalong paunlarin ang ating bayan ng San Francisco tungo sa Pagbabago, Asenso at Tagumpay.

Mga Aurorahin, kayo po ang inspirasyon ng Lokal na Pamahalaan ng San Francisco. Patuloy po tayong magsama-sama tungo sa isang progresibong Bayan.


Maraming Salamat po!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *