Napagtibay sa natapos na pagpupulong ngayong araw ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Kgg. MA. KRESNA E. FERNANDEZ, Pangalawang Punongbayan, ang PAG-AAMYENDA ng INTERNAL RULES OF PROCEDURES na nagdadagdag ng probisyon kung saan ay isasapubliko na ang mga pagpupulong ng Sangguniang Bayan.
Naaprubahan din ang Ordinansa sa paglikha ng mga position sa TANGGAPAN NG MDRRMO kaalinsabay na rin ang mga position sa itatayong COLEGIO DE SAN FRANCISCO. Ito ay sa pangunguna ng Komitiba ng Good Government, Public Ethics and Investigation, Kgg. JAZZY R. ALEGA.
Sa kasalukuyan ay nasa pag-aaral pa rin ng Komitiba ng Rules ang mga Civil Society Organizations na nais magpa-accredit sa Sangguniang Bayan. Tatalakaying muli sa susunod na pulong ang pagbubuo at pagpapatupad ng mga alituntunin sa paggamit ng COMMON TERMINAL ng ating bayan.
Ipinahayag din ni Kgg. Jazzy Alega ang mga naganap na krimen sa ating bayan sa nakalipas na mga araw na sβya naming ilalapit ng Sanggunian sa mga nararapat na tanggapan at ahensya sa ating bayan.
Leave a Reply