When

Thursday, December 1, 2022    
All Day

Event Type

Training MDRRMO

Personal po na dinaluhan ni Engr. Leopoldo II M. Garcia, LDRRMO III ang isinagawang Appreciation Afternoon with CALABARZON Local DRRM Officers na pinangunahan ng Tanggulang Sibil Calabarzon na isinagawa sa Alta D’ Tagaytay Hotel, Tagaytay City.

Tampok sa nasabing Gawain ang pamamahagi ng mga Sertipiko sa bawat Tanggapan ng MDRRM sa CALABARZON Region sa kanilang suporta sa mga gawain, proyekto at programang ipinatutupad ng RDRRMC at kasama ang bayan ng San Francisco, Quezon sa nagkamit ng mahalagang sertipikong ito.

Muli, pasasalamat sa tagapanguna ng OCD-IVA sa katauhan ni Director Tet Escolano, MNSA sa ganitong uri ng pagkilala. Inspirasyon po namin ito para paghusayin pa ang pagtupad sa nakaatang na mga gawain na may kinalaman sa DRRM sa ilalim ng suporta ng aming Tagapangulo ng konseho, Mayor Roming “Erpat” Edaño at sa tulong ng Sangguniang Bayan Members.